12:34*

I'm a little pencil in the hand of a writing God, who is sending a love letter to the world – Mother Teresa.

Ding-dong. Ding-dong. Ding-dong.

Nakita ko kasi na March 31 na pala ngayon kaya para cute, ito ako ngayon. Sobrang dalang ko lang pala gumawa ng entry sa loob ng isang buwan.

 

Tumal ng bentahan.

 

Wala ako maisip sa totoo lang, Ding-dong ang title. Dalawa ang dahilan, gusto ko ng dingdong na may haluhalong chips at yung isa pang dahilan, haluhalong sahog lang ang nasa utak ko ngayon, parang chopsuey.

 

Pero gusto ko tumipa ng tumipa kahit walang patutunguhan. Oo, ito na naman ako, namiss ko ring habulin ng mga daliri ko yung sinasabi ng utak ko. Katulad nito.

 

Excuse me! Wala itong kinalaman kay Dingdong Dantes at Dingdong Avanzado!

 

>:D

Oo nga pala, magiisang taon na ‘tong blog kong walang sustansya sa June 26.Ü

Akalain mo yun? Nagiisip ako ng magandang gawin, hindi ko naman keri yung ginagawa ng iba na nagpapakontes, haha! Wala naman akong maipapapremyo o hindi naman ako tinatangkilik masyado (may masyado talaga? so umaasang medyo tinatangkilik? ganon? hahahahaha!), naiisip ko na gumawa ng isang sobrang makabuluhang entry, yung may silbi talaga, pero pinagiisipan ko pa nga diba? >:D o may isa pa kong naiiisip, pero wala pala haha!

 

(Tahimik for a while..)

 

Type.. Bura.. Type ulit.

 

Andami ko palang nakapilang topics.. Di ko naman mabigyan ng buhay kasi sobrang bisibisihan ang lola mo.. Kahit wala naman talaga akong ginagawa kapag mga bandang alas tres hanggang alas sais dito sa office kundi mamasyal lang sa mga lungga nyo, o tignan lahat ang accounts na 1,000+ friends ko sa FB, o mag-tweet every minute.. Minsan, nakakauta din pala pag puro ganun haha!

 

Ay oo nga pala, eh kasi, sana mag-isang dibdib na si WordPress at Blogspot para naman hindi na ko gagamit ng proxy sites para lang makapamasyal pati sa mga dotcom..

 

Kanina, nagcomment si akoni sa post ko, tapos namasyal ako sa bahay nya, hehehe sobrang nagenjoy ako, di ko namalayan yung oras. Kinilig ako sa labstory nila ni heaven nya eh. Lalo akong naexcite magpakasal. Haha!

Feeling ko talaga sobrang saya, yung eksenang iiyak pa ko. haha!

;)

 

Lingon sa kaliwa…

 

Ang dami ko gusto sabihin, pero nasa utak ko lang.. tapos yung kamay ko may sariling desisyon, ayaw gumalaw, hahaha! badtrip!

May naiiisip na kong gawin, pero secret muna, baka mausog.

hahahaha!

 

teka..

 

puro kasi si Paulito mi amore nasa isip ko, nakakainis.

sige na nga. maglalakbay diwa muna ako papunta sa kanya.  May gagawin lang ako, habang tulog sya….

 

HAHAHAHAHAHAHAHA!

Konting katahimikan…

Ako po ay humihingi ng tulong sa inyo, tayo po ay manalangin para sa kaligtasan ng aking phone.

Tayo po ay yumuko at magkaroon ng konting katahimikan..

 

Actually, hindi ko sya phone. Hiniram ko lang sya sa mommy ko.

Malubha po ang kalagayan nya.

 

Kanina, nalaglag po sya sa Toilet Bowl (read: clear water po. HAHA)

Nag-prompt ng insert sim, pagkatanggal ko ng battery, ayaw gumana. So mega troubleshoot ako, tanggal sim, battery, patuyo. Ayaw pa din. Super takot lang ako, hindi ako kumikibo sa sasakyan, haha. Papunta kami kasi sa libingan ni daddy ko. I gave my phone a little break, 30 minutes I guess. Pagcheck ko, gumana na. Medyo may trouble pa ng onti, pero nawala sya habang tumatagal, hanggang sa totally ok na sya ulit..

 

So ayun, text text na kami ulit ni Paulito Mi Amore. Then, oras na ng work, iniwan ko na sa locker ang phone.

 

Just a while ago (past 12 midnight), break time ko na. Habang naghihintay ng reply nya, puta nagslide pababa ng sahig yung phone, nagdesisyon sya mag-isa. Nagprompt ulit sya ng Insert Sim. So, I believe, hindi sira ang LCD or whatever. Mega troubleshoot ulit ako, pero wala pa rin.

 

Iniwan ko muna sya sa locker ulit. Bigyan ko sya ng konting time para makapag-isip isip :(

Dun muna sya sa recovery room :(

 

Nawa’y gumaling na sya agad.

Anumang tulong galing sa inyo ay lubos kong ipagpapasalamat.

 

 

Watdapak. Lagot ako kay Majay.

Rosing.. Isang ina.

“Wag ka mag-alala, hindi yun masakit.. Saglit lang yun. Safe ka dun kay Doktora.” wika ni Seline.

Balisang balisa si Rosing habang patungo sila ni Jeline sa tahanan ni Dra. Mia. Si Seline ay ang ahenteng nakilala ni Rosing sa Quiapo.

“Natatakot po kasi ako.. Hindi ko po yata kaya.”, mahinang sambit ni Rosing.

“Eh bakit naman kasi pinatagal mo ng ganyan.. Sana tinuloy mo na lang. Buti na nga lang hindi halata masyado. Para ka lang busog. HAHAHA! Nasan ba jowa mo? Iniwan ka?” tanong ni Seline.

“Hindi po kasi pwede. Hindi po ako iniwan. Hindi pa lang po kami handa. Natatakot ako sa pamilya ko, sobra. Sobrang orkot ako.”

Bigla silang nanahimik at pumasok sa isip ni Rosing ang mga bagay na lubos na bumabagabag sa kanya…

——-

“Alam mo tumaba ka lalo. Tapos ang laki ng balakang mo! Naku Rosing! Sinasabi ko sayo! Baka buntis ka ha? Naku, buntis ka itatakwil kita! Hindi ako nagbibiro!”

“Pano tayo nito? Kapag nalaman yan samin, papalayasin ako.. Pano ko kayo bubuhayin?”

“Rosing! Ang laki ng ilong mo! Ang chaka! Haha! Ang laki pa ng tyan mo! Echusera ka teh! Baka naman preglaloo ka na huh! Masisira ang future, hala ka!”

“Bakit ang lakas mong kumain! Lolobo ka nyan lalo, tignan mo nga yang tyan mo parang puputok na!”

———

Habang iniisip nya ang mga sinabi sa kanya ng mga taong nakapaloob sa buhay nya, lalo syang natatakot harapin ang resulta ng bunga ng kanilang kapusukan, lalo syang natatakot na panindigan ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

“Sorry baby. Patawarin mo ako… Mahal kita, pero natatakot ako.” bulong ni Rosing sa sarili habang nakahawak sa kanyang sinapupunan na may pitong na buwan ng sanggol..

Tumingin sya kay Seline na kasalukuyang nagsusuka sa isang supot dahil sa lamig ng aircon bus na sinasakyan nila.

“Kadiri naman itey! Ang kyoho ng suka! Ngayon lang yata to nakasakay ng aircon bus ah.. kaloka” napangising sambit ni Rosing sa kanyang utak.

“Hindi ako sanay sa lamig, pasensya ka na.. Malapit na tayo, salamat naman..” tila narinig ni Seline ang kanyang sinabi, kahit hindi naman talaga.

“Oh Bocaue Bocaue Bocaue!” sigaw ng konduktor ng bus.

*ting ting ting*

“Manong teka, baba na kami”, sagot ni Seline.

Dali daling sumunod si Rosing sa pagbaba ni Seline.

Ang sabi sa kanya no Seline, pagbaba nila ng bus, maglalakad pa raw sila ng kaunti patungo sa bahay ni Dra. Mia.

“Teka lang. Bili lang ako yosi ha. Bawal magyosi kila Doktora eh. Upo ka muna dun oh.”, wika ni Seline.

Tumango lang si Rosing. At umupo sa may bench sa tapat ng tindahan na pinagbilhan ni Seline.

Habang naglilibot libot ang kanyang mga mata sa paligid, may nakita syang pulubing ina sa may tapat ng simbahan.. Bukod sa sanggol na kanyang bitbit ay may nakakapit pa sa kanyang isang batang babae, mga tatlong taong gulang siguro ito.

Lubos syang naantig sa tagpong iyon. Ang utak nyang dating desididong ituloy ang binabalak nya ay biglang unti unting tinatalo ng tibok at bulong ng kanyang puso..

“Tara na! Ayun na bahay ni Doktora oh”, yaya ni Seline.

Pagdating nila sa bahay ni Doktora, humarap sa kanila si Doktora at ang assistant nito na si Bing.

Sa pagligid nya ng kanyang paningin ay napansin nya ang mga batang naglalaro. May mga batang dalawang taong gulang hanggang lima, mayroong tatlong dalaga at dalawang binata. Iyon ay ang mga ampon ni Doktora Mia. Ang mga ampong iyon ay ang mga sanggol na pinalad na mabuhay pagkatapos silang ipaalis ng kanilang mga ina sa kanilang sinapupunan, sa kanilang buhay.

“Oh. Ang laki na nyan ah. Bakit hindi mo na lang ituloy. Naku kang bata ka!”, pagulat na sabi ni Doktora.

“Ewan ko nga dito eh. Sabi ko sa kanya dapat ituloy na lang nya. Kaso ayan, duwag.”, sabat ni Seline.

“Kung pwede lang po. Kung pwede lang po talaga.”, mangiyak ngiyak na sagot ni Rosing.

“Oh siya! Gusto mo yan eh! Kaya lang naman kami nagkakaron ng ganitong trabaho ay dahil sa inyong mga lapit ng lapit. Tumutulong lang naman kami. Sige pumasok ka na muna dun sa kwarto at magpahinga!” utos ni Doktora Mia.

“Sya nga pala, stay in ka dito kay Doktora, mga tatlong araw ha. Syempre, normal delivery yan. Hindi yan kaya ng dukot dukot lang. Mararanasan mo na kung pano manganak! Pero di ka naman namin pababayaan, wag ka magaalala.”, pahabol ni Bing.

“Pero kung mabuhay ang bata, wag ka magalala, kukunin ko sya..”, pahabol ni Dra. Mia.

—-

Pumasok sa kwarto si Rosing.

Nahiga sya sa kama. Dagliang pumasok si Doktora upang kausapin sya,

“Sigurado ka na ba?”

“Opo. Naiisip ko po kasi yung mommy ko, magagalit po yun.. Lagi pa naman sa’kin isinusumbat nun lahat ng paghihirap na ginawa nila ng daddy ko para sa’kin.. Tapos ako, ito, nagpabuntis lang..”, pangangatwiran ni Rosing.

“Alam mo, kahit ano pang pangangatwiran ang sabihin mo, mali ka pa rin. Alam mong mali ito. Wala ako sa lugar para husgahan ka, pero sana pagisipan mo pa. Hindi porke’t ganito ang trabaho ko ay masamang tao na rin ako. Oo, mali nga itong ginagawa ko, pero ina rin ako.. Hindi nga lang sila galing sa akin, pero mahal ko sila, mahal na mahal ko ang mga anak ko. At gagawin ko ang lahat para hindi mabigyan ko sila ng mabuting buhay na hindi kayang gawin ng mga duwag nilang ina. Oh sya, mamayang madaling araw na natin simulan, magpahinga ka muna..”

Pagsara ng pinto ay patuloy na nagisip isip si Rosing.. Nagtatalo ang kanyang isip at puso. Hindi nya alam kung alin ang pakikinggan. Tumutulo ang luha sa kanyang mga mata, kaliwa, kanan, kaliwa, kanan.

Nakatulog sya ng di inaasahan. Marahil, dahil sa pagod, pagiisip at labis na pagiyak.

——

Sa isang tahimik na kwarto, may isang boses na naririnig si Rosing. Malawak ang paligid, kulay puti. Maputing maputi.

Mama? Ikaw po ba yan? Narinig ko po may kausap ka, sabi anak mo daw ako? Siguro ikaw na nga po ang mama ko. 7 months na daw ako? Eh diba sabi po 9 months daw dapat ang baby bago ilabas? Alin po ba ang mauuna? 7 o 9? Hindi pa po kasi ako marunong magbilang.

Sumagot si Rosing kahit nagtataka ito at tila hindi makahinga, “7 ang mauuna anak.”

Ah. Eh bakit sabi po lalabas na raw ako mamaya? Ang saya naman, mama, excited ka na yata makita ako kaya masyadong maaga! Ok lang po sa akin, at least makakasama na kita agad. Oo nga po pala, mama, naalala ko yung tinitingnan mo kanina na baby, sa may simbahan po yata tawag dun? Tinignan ko rin kasi tinitignan mo eh. Syempre dapat mana ako sayo.

Napaupo si Rosing sa kinatatayuan nya. Lubos syang nanglalambot sa lahat ng mga salitang kanyang naririnig.

Mama, sana paglabas ko makapasok ako doon sa simbahan, narinig ko kasi kanina sa may tindahan, maganda daw doon. Nandun daw po si Jesus? Tsaka, sana makalaro ko yung bata kanina, karga sya nung nanay nya no? Pero narinig ko din, pulubi daw ang tawag sa kanila? Mahirap daw sila mama? Tayo mama? mahirap lang din ba tayo? Ok lang sakin basta kasama ko po kayo ni papa ko. Si papa po, nasaan po sya? Nasasabik na po akong makita kayo. Gusto ko na pong maramdaman ang yakap niyo! Mama, matagal pa po ba bago dumating ang mamaya?

Mama? Mama! Mama?! Mamaaaa!?

Unti unting humina ang boses na iyon hanggang sa tuluyan na itong nawala.

—-

Nagising si Rosing. Humahangos. Pawis na pawis.

Biglang may naramdaman syang gumagalaw sa kanyang tyan, tila isang maliit na umbok ang bumakat sa kanyang balat. Sumisipa ito.

Napaangat ang kanyang ulo at nakita nya sa pader ang nakadikit na larawan ni Inang Maria. Napatitig sya dito at noo’y nanalangin..

Sa kanyang pagdarasal ay naramdaman nyang muli ang likot ng kanyang sanggol sa sinapupunan.

“Anak, medyo matatagalan pa bago tayo magkita. Dalawang buwan pa. Wag kang mainip dyan ha? Mahal na mahal kita. Konti na lang, anak”.

———————————————-

HAPPY MOTHER’S DAY!!! :)

**Ang anumang maaaring pagkatulad nito sa totoong buhay ay aksidente at nagkataon lamang. Ang mga pangalan, lugar at kaganapan ay bunga lamang ng malikot na imahinasyon ng may-akda.

Ang pangit ng apelyido ko, peram naman ng sayo! :)

It was exactly a year ago mula nung makita ko yung ngiti mong kinilig ako sa labas ng Jollibee Welcome Rotonda, mula nung sinamahan mo kong bumili ng memory card sa Quiapo, mula nung kumain tayo sa Jollibee Carriedo, mula nung naglakad tayo ng mahaba from Quiapo to Recto to Quiapo, mula nung nanuod tayo ng last full show ng Pak Pak My Doctor Quack sa SM North at oo nga pala… Mula nung dumaan tayo sa Quiapo Church para magsimba :)

Naaalala ko pa kung ano yung prayer ko nung oras na yun.. Sabi ko kay Lord, sana sya na bahala sa atin.. Na sana ibigay ka nilang gift sa akin.. Na sana ikaw na nga… At tingnan mo nga naman, sinong magaakala, tinupad ni God yung panalangin ko..

(*insert God gave me you chorus sa background, mga 10 seconds lang hehe..)

I couldn’t really believe how we’ve made it after everything that has happened. Diba? Who would have thought? :)

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

2008. Oo, sure ako. early 2008 yun. SQC days :)

You were HBK and I was MIMUI.  I wasn’t really into PM’ing sa club, pero basta lagi kita katext.. HAHA! Mahihinto, magkakatext ulit.

Umalis ka yata sa club nun, tapos ako rin. Pero nagkakatext pa din tayo.

At ang totoo, never kong binubura ang number mo kahit magpalit ako ng sim :)

2010. Training days ko pa lang sa first work ko, pero nagkakatext pa din tayo.. Muntik muntik na kong pumayag makipagkita ng ilang beses sayo, pero pinipigilan ko sarili ko kasi may jowabels ako nun. At malay ko ba naman ding may jowa ka pala! hahaha!

Early 2011. Nagkakatext ulit tayo, hindi pa yata kami break nun o break na kami ni EX Y Z. I had sleepless nights, not because I can’t move on sa break up, insomniac lang talaga ako HAHAHAHA! :D

Constant text messages, landian portion. #alamoyan! :D

I thought I was alright, I thought everything’s fine. Pero hindi ko alam na mas OKEY pala pag nandyan ka na :)

(**Infairness sa kanta ngayon dito sa office ha, nakikisimpatya sa love story namin HAHAHAHA! You are my one more time ba yun? haha basta I’ll save the best of me, for you. haha! Wit ko memorized!)

hahaha feelingera lang :) May mga bagay na hindi mo sinabi sa akin agad, pero ok lang. HAHA! Uuratin pa din kita tungkol dun paminsan minsan hahahaha!

Pero eto na yun oh, sobrang naaappreciate ko lahat ng ginagawa mo para sa akin, para sa atin. Nagbago lahat. Walang paglagyan yung saya.

I never thought I’d be this happy and contented<3.

TARAGIS! For the first time, umabot ako ng isang taon!! Utang na loob ko pa to sayo? Ganon? HAHAHAHAHA!

Namimiss kita sa bawat segundo, bawat minuto.

(**COMMERCIAL: Ang tugtog naman ngayon, I could not ask for more! <3 naiiyak na ko habang nagtatype!! Ano ba to!)

Gusto kong magpasalamat sayo para sa lahat lahat, sa pakikipagsapalaran mo sa pagkamongoloyd ko, sa pagbibigay mo ng oras sa akin, sa pagintindi sa pasensya kong kasing iksi lang ng buhok ng semi-kalbo, sa pananatili sa tabi ko sa kabila ng lahat ng mga nangyari, sa pagsama sakin sa paghahanap ng pinakamasarap na TAPSILOG sa buong bayan, sa pakikinig lang sa pangookray ko kay ganda hahahaha, sa pagpapatawa sakin lalo na noong parang pasan ko na yung daigdig, sa pagpapatuloy mo sakin sa buhay mo, sa pagmamahal at sa pagdating mo sa buhay ko :)

(**AT BAKIT INULIT YUNG I could not ask for more??? HAHAHA lakas mangasar ha!)

Sa tuwing pumapasok sa isip ko na mawawala ka, ang nasasabi ko na lang sa utak ko, ERASE ERASE!! PADLOCK SUSI!

Ayoko! Hindi pwede! Walang ganun! Hindi uso! Walang paglalagyan ng ganung pag-asa!

Hindi man tayo perpekto, away bati, away bati, pero gusto ko to, hindi ako magsasawang manalangin na ikaw sana maka away bati ko hanggang sa tumanda tayo :)

We’re a year closer to forever, baby! :)

PS. Sobrang mahal na mahal kita. Halata ba? <3.

Isang patalastas..

Hello :)

Hindi ko napansin na halos isang buwan na rin pala simula nung huli akong tumipa ng entry ditey!  (Today is the 22nd day to be exact..)

Ito yun oh..

http://merrystrawberry.wordpress.com/2012/03/30/istrik-ang-peyrents-ko-eh-d/

haha magpromote daw ba!

Masyado yata akong busy at hindi ko na masyadong napagtutuunan ng panahon itong munti kong tahanan..

Ilang beses ko ng naisip buksan to sa office para kahit pakurot-kurot eh magawa ko yung birthday blog ko. haha! Mygaaa, nung April 7 pa yun! Anong petsa na dibey!

Marami na kong nakapilang entries, haha natatambakan na ko!

Isa lamang tong patalastas! Dadalasan ko na po ulit ang pagbisita dito at sa inyo na ring mga tahanan! :)

Pero lagi nyo kong sinusupresa sa tuwing nagbubukas ako nitong account na to.. Sobrang nakakataba ng puso na malaman na may mga bumibisita pa rin ng tahanan ko habang wala ako sa kabihasnan.. at may nagbabackread pa!

Nakakatuwa rin isipin na may mga naghahanap sa akin at sa mga entries ko na wala namang sustansya! hahaha!

At sobrang salamat rin sa mga karagdagang bilang ng followers!

 

I could not ask for more! :)

At dahil dyan,

LET’S CELEBRATE! :)

Istrik ang peyrents ko eh >:D

Strict ang parents ko eh~

Yan ang kadalasang sagot ng mga merlat kapag tinatanong sila kung bakit wala pa silang bowa o kung bakit may jowabella na sila pero hindi pa legal sa balur nila..

Eh kasi naoorkot sila na maaward ng mga mother nature at father burger nila..

Yung totoo?

Bakit nga ba ganun?

Overprotective? Mahigpit? O trip lang nila?

Meron ding mudra at pudra na wit lang magkajowa ang bawal..

Bawal ka umalis ng bahay! 

Hindi ka pwede pumunta ng mall with  your friends!

Umuwi ka agad after school!

At ang pinakanakakalurkey,

paglabas mo ng school building, 

present si madjay sa may labas at may dalang umbrella!

On the other note, may mga magulang din naman na ever supportive sa mga junanaks nila..

——-

Wala na kong ibang gustong isiping dahilan kundi ang magic word.

Ang magic word?

LOVE :)

Mahal tayo ng mga magulang natin.

At as much as they could, they would do anything just to prevent us from being hurt.

Ikaw ba naman eh, pinalaki mo yung anak mo ng ilang taon, inalagaan, hindi pinadapuan sa lamok tapos pakacrayolahin lang ng iba!

THE F!

Cannot be borrow one from another diba!!

——————————————-

Naisip ko lang tong walang sustansyang piyesa na to kasi nung isang araw, may namuong pagtatalo samin ni paulo.

Sabi nya, “isipin mo din.. dito kilala ka, ako legal ba? samin kilala ka, sa inyo kilala ba ko?”

Napagtanto ko..

Oo nga naman..

Ang dahilan..

Bawal ako magkajowa… Isang beses, sinubukan ko ng ipagbigay alam kay inang mother na may bowa ako..

Nung una, ayaw nya talaga.. Hiwalayan ko daw.

Maliban sa hindi daw nakapagtapos si EX Y Z, orkot si mother nature na makabuo agad ako ng sarili kong family tree..

HAHAHAHA! Ganda ko diba.. #charotera101

Hindi ko sinunod agad si mother nature.. Tuloy lang.

Dumating sa point na narinig ko sabi nya na Ok na yan basta wag magpapashontis~

Pero hindi naman sinulit ni EX Y Z yung eksenang pinaglaban ko sya!

Ako nga ang nangiwan, pero bakit? kasi hindi nya ko pinahalagahan..

So yun ang dahilan..

Sa susunod na may ipapakilala ko kay mommy ko,

gusto ko yung sigurado akong hindi ako sasaktan at papahalagahan ako..

Worth it naman si Paulo eh, napatunayan ko naman ng lovabels nya ko.

Pero, konti pa..

Ayokong masaktan ako na alam ng mommy ko, kasi sigurado, masasaktan din sya..

Ang mahabang listahan ay hindi lang para sa utang :)

Naalala ko lang kasi bigla, March 9 na ngayon. In less than a month, tatanda na naman ako ng isang taon..

Mygolly, cannot be borrow one from another, 10 years ago na nung huli akong nagkaron ng edad na same digits!

HAHAHAHA Nakakatawa!

Naisip ko lang, tumatanders na ko, pero wala pa kong naaachieve na seryoso sa buhay ko. Puro phones, mga damit, sapatos, at kung anik anik lang nabili ko!

Kaya simula ngayon , simulan ko na magpundar. ng bahay. hahaha! charot.

Eh basta, reward lang sa mga paghihirap ko dibuuuuh..

Hindi naman talaga mahalaga, pero gusto ko lang :))

Kaya lilista ko na, mahaba haba to :D

**sana matupad ko lahat!

- Gusto ko na mabili yung bagong book ni Bob Ong, tsaka yung iba pang books ni Mitch Albom.. (pero tumatanggap din naman ako ng mga donasyon. THANK YOU! :*)

- Gusto ko ng iphone. (Kahit hindi iphone4s, basta iphone!)

- Gusto ko ulit magkaron ng ipod, ipod touch naman sana ngayon :)

- Gusto ko bumili ng sarili kong laptop. (kahit hindi yung bongga basta akin tsaka di ko na bet touchpad ko, ayaw ko na nun, palpak naman wifi nun haha!)

- Gusto ko bumili ng sariling digicam! :) (kasi medyo ampanget ng quality ng photos nung digicam namin sa bahay haha! at di ko pa afford yung SLR, haha!)

- Gusto ko magshopping! (haha! kahit na bundok bundok na yung labahan ko sa bahay kasi puro bili, suot tapos bili ulit. ANO TO DISPOSABLE? :D)

* Gusto kong malabhan ko na yun lahat. :))

- Gusto ko pa ng maraming flats na sandals! (Kahit na nakatambak lang lahat at nasira na yung iba.. lagot na naman ako kay inang mother nature..)

- Gusto ko bumili ng flat screen tv para sa bahay namin… (para matuwa naman si mother earth sakin haha)

- Gusto ko ulit pumunta ng Tagaytay sa birthday ko tapos dun magsimba :)

- Gusto ko pumunta sana ng Baguio sa bday ko (kaso mukhang malabo at huli na sa pagpaplano, kaya basta within this year sana..)

- Gusto ko magpunta sa beach ngayong summer.. (ayoko sa bora, hindi naman ako makakapag 2 piece hahaha!)

- Pero mas gusto ko magpunta anywhere na may falls o batis o ilog at may magandang kabundukan… SOON!

- Gusto ko magpunta ng Cebu o Gensan o Bohol o Davao within this year… :D

Gusto ko… matupad lahat ng to kaya DAPAT MAKALIPAT NA KO NG TRABAHO.

SA LALONG MADALING PANAHON! :D

One friend request…

One friend request…

Tignan mo nga naman ang nagagawa ng teknolohiya.

Sa isang pindot lang, voila! abot mo na ang mundo! Oh ayan libre advertisement na sa globe ha! Go lang ng Go! :D

……

Matagal tagal na rin ng may natanggap akong friend request mula sa isang pamilyar na pangalan… Isang pangalang konektado na sa buhay ko mula nung pinanganak ako… Isang pangalang nakilala ko lang sa pangalan habang lumalaki ako…

Friend request accepted…

Hindi ko na maalala kung gaano na katagal mula nung tinanggap ko ang request na yun..
Ang totoo, hindi ko naman yun pinagtuunan ng pansin kasi hindi naman talaga yun mahalaga sa pagkatao ko…

Nabuo ako kahit hindi kami nagkaroon ng koneksyon kahit kelan..
Nabuo ako kahit hindi kami nagkaroon ng koneksyon sa internet o kahit saan.

Wala akong hinanakit o dinadalang bigat ng pakiramdam sa kanya..
Totoo.
Pero noon pa man, bukas ang isip ko para sa mga bagay na hindi maipaliwanag sa akin ng pagkakataon..
Bukas ang puso ko sa mga sugat ng nakaraan at kahit hindi ko naramdaman ang hapdi nito,
sigurado akong hinilom na ito ng panahon…

Kung sakaling magkrus ang landas namin,
keri lang.
Kung hindi,
ok lang din hehehe :D

Kanina kanina lang, itinuro ko ang cursor ng mouse ko sa search field ng fb,
hindi ko sinasadyang napindot ang letrang F at lumabas ang pangalan nya…

Out of curiosity, pinindot ko ito..

Brinowse ko ang page nya.

Nakita ko na nag invite pala sya ng mahigit sa singkwenta katao na katulad ng apelido nya.
Katulad ng sa akin. katulad ng sa kanya.

May mga nakita akong impormasyon at kinukimpirma nga ng mga yun na sya na nga yun..

Inadd nya ba ako by purpose? o nakita lang talaga nya na magkatulad kami ng surname?
Hindi man lang ba sya nagtaka na pamilyar ang middle name at last name ko?
Nagsend ba sya ng invitation sakin para makilala nya man lang ako kahit sa tahimik na paraan?

Nagtaka kaya sya kung ano ang pagkakapareho ng pangalang dinadala ko sa babaeng kasama nyang humarap sa altar dalawampu’t isang taon na ang nakararaan?

 

Kapag ang palay naging bigas, may bumayo…

Ang sabi ko noon, hihinto muna ako sa pagsusulat habang hindi pa maayos ang lahat.

Hindi kasi umaayon ang lahat ng laman ng isipan at puso ko para mailapat ito sa titik…

Ilang buwan. Ilang buwan akong tumigil.. May mga pasulpot sulpot akong piyesa pero kulang. Hindi ko mahanapan ng angkop na damdamin.

Ilang buwan. Ilang buwan din akong tumigil pati sa buhay.

Tumigil ako sa pagbibigay ng kulay sa mga bagay sa paligid ko. Lumagpas ang mga mahahalagang momento ng buhay ng hindi ko man lang ito nadama.

Pero sabi nga nila, lahat ng bagay ay may katapusan.

Nagwakas din ang yugto na yun. Yun na siguro ang pinakamahapding parte ng kabuuan ko.
Hindi na maaaring mabura, pero dapat pa ring mabuhay.

Hindi pa man natatagalan, pero hindi na rin siguro makabubuting makulong ako sa kahon ng nakaraan.

Ito na ang tamang panahon para bumangon.

Ito na rin siguro ang tamang panahon para pasalamatan ang tatlong taong naging sandigan ko at nanatiling nasa likod ko mula umpisa hanggang ngayon… Salamat :)

Lalo na sa Poong Maykapal <3.

Ngayon, mamaya, bukas at sa mga susunod pang bukas, kaya ko na ulit tumayo ng tuwid at humarap sa lahat ng bagay na tinalikuran ko. Pero sa ngayon, dapat ko ng simulan.

Kailangan ko ng simulan ulit.
Kailangan ko ng simulang buuin ulit, ako.

(** hahahaha wala kasi akong maisip na title… pero sige, ipilit natin, sabihin nating isa na akong ganap na butil ng bigas, at binayo ako? hehehe. BTW, sorry for leaving everyone clueless about this. Basta, Ü)

A whole new world…

Anong petsa na ba??

Ang bilis naman. Matatapos na agad ang January.

Ang dami dami agad nagbago sa buhay ko…

New Company.
New Account.
New Environment.
New Experience.
New Life.

* Goodbye Pilipinas Teleserv, Inc. Hello TechMahindra Ltd.

Yes! Hindi kayo namamalikmata! Nakalaya na ko sa Teleserv, effective January 2, 2012. Eh hindi ako pwede mabakante no, apply agad kinabukasan!

Dahil wala na yung Email account sa Teleserv, nagapply ako kung saan inilipat yun ng Globe, sa TechMahindra :D HAHA! Luckily, January 9, 2012 start na agad ng training :) Thank you Lord!

Yun nga lang, babye Wireline na! Prepaid Tech naman na, hindi ko pa knowings kung email o SNS yung account na hahawakan. pero Keribels na rin :D

Hmmmmmm.

Pero hindi pa pala ko ready talaga gumawa ng entry.
Sige na nga. Tigil ko na muna to.

Babalik ako sa takdang panahon.

KBYE.

Que Sera Sera…

Whatever will be, will be.
The future’s not ours to see, Que Sera Sera.

Life, indeed, is unpredictable.
We may say life is what we make it. Yes, in some ways, yes.

Pero gayun pa man, meron pa rin mga bagay na hindi na saklaw ng ating mga kamay at kaisipan.
Yun oh, saklaw daw oh :D

Mahirap magpatuloy gawin ang mga bagay na hindi mo alam kung ano ang mangyayari.
Mahirap magpatuloy tahakin ang landas na hindi mo naman alam kung san ka patungo.

Blinded ka kumbaga.

Minsan, kailangan mo lang manatili sa kung nasan ka at maghintay. Be still.

Kung aso ka, sasabihan ka lang na SIT DOGGIE, SIT.
Kaso lang, tao ka lang, kaya ang sasabihin lang sayo,

Sa Monday, si Maam Malou kakausap sa’yo, 9am sa Quiapo.

Eh ang sakit…

Minsan, kahit ibigay mo ang lahat, hindi pa rin yun sapat.

HEHEHE.

k

</3.

My grown-up christmas list :X)

Magsabit ng medyas sa may bintana sa bisperas ng pasko.

Noong bata ako, naniwala din ako na nilalagyan nga ng regalo ni Santa Claus yung mga medyas na nakasabit. Malaki pa nga nilalagay ko tska yung may ribbon. hehe XD

Pero, nung isang beses, yung regalong nakalagay eh isang pack ng chocolate. Wow sana. Kaso lang, nakita ko yun sa mga pinamili ng tita ko eh :D :D :D

Sa totoo lang, hindi naman talaga kami lumaki na humihiling ng mga laruan tuwing pasko. Sa akin, kung may magreregalo sa akin, kahit gaano pa kaliit o kalaki, kamahal o kamura, masayang masaya na ko.

Hindi ko naman birthday yun e. Diba? Para sakin, dapat icelebrate yun kasi birthday ni Jesus.

Dapat nga sya yung bigyan natin ng regalo. Eh pero, bakit nga ba tayo humihiling? Ng mga materyal na bagay? Ng pera?

Ewan ko din. hehehehe.

Ipagdiwang ito na puno ng pagmamahal, pasasalamat at panalangin. Yun! Dun ako naniniwala! :)

——-

Meron akong wish-list. Bata pa lang ako, ito lang ang gusto ko makuha. Gusto ko sana i-share, baka sakaling matupad nyo kahit isa…

UNA.

Good health.

Magkaron sana ng malusog na pangangatawan ang mga mahal ko sa buhay. Lalo na ang mommy ko, sana wag na sya maghighblood o rayumahin at kung ano pang sakit. Ang pamangkin ko, ang mga kuya ko, ang mga tita at tito ko, mga pinsan, pamangkin, mga kaibigan at lahat ng tao. Sana wala ng magkaroon ng sakit.

PANGALAWA.

World peace.

Oo. Malakas man maka-Miss Universe yung sagot, totoo to XD hahahaha! Medyo malabo to, pero balang araw, naniniwala ako, mangyayari to. Habang buhay ako, hihilingin at hihilingin ko lang to, baka sakaling magkaron ako ng magic, marinig to ng lahat ng tao, tas tuparin nila kasi naawa na sila sakin :)

PANGATLO.

Well life.

Pano ba ipapaliwanag. Hindi ako humihiling ng milyones. Sana lang, magkaron ng sapat na pamumuhay ang lahat ng tao, kami rin ng pamilya ko syempre. Yung sana magkaron kaming tatlo ng maayos na trabaho at maibigay namin yung mga kailangan sa bahay, mga bagay na magpapaligaya sa mommy ko. Yung mga ganung bagay.

PANGAPAT.

Happiness.

Madali lang kasing sabihin na “masaya ko.” Pero, masasabi mo bang happiness from within yung nararamdaman mo? Hinihiling ko na sana, magkaron ng kaligayan lahat tayo, yung kaligayahan na makukuha natin kasi marunong tayo makuntento.

PANGLIMA.

LOVE.

The broadest word in the world, I know.

Pagmamahal.
Pagmamahal na may pang-unawa.
Pagmamahal na marunong magbigay.
Pagmamahal na marunong magpatawad.
Pagmamahal na walang kapalit.
Pagmamahal na walang hanggan.

……………………………….

“At magbuhat ngayon, kahit hindi pasko, ay magbigayan” Ü

Parang…

Parang gusto ko gumawa ng entry ngayon.
Pero gusto ko sana gamitin yung random topics na pwede mo gawan ng blog, isa yun sa features dito sa wp.

Pero parang di ko sya makita?

Waaaaaa.

Kelan expiration date mo?

Sa tuwing namimili tayo sa supermarket ng mga de lata o ng tinapay o ng mga kung ane anelya pa, madalas tumitingin tayo sa ilalim o gilid na parte nito para malaman kung hanggang kelan sya tatagal sa mundong ito? Oo. Expiration date kung tawagin.

.

Kapag nagreregister tayo ng unli, madalas isang araw lang natin nasusulit kasi, asa ka pa, eh yung pinakamurang denomination lang naman niregister mo. Kung TM ka, 10 piso lang, may one day unli ka na. Madalas to sa mga magjojowa, para sulit na sulit. Kung mayaman ka naman, at naka globe ka, dun ka sa 5 days, 80 pesos lang unli text ka na. O kaya sa Sun, 30 days, 150 lang, may free 4 hours call ka pa. Pero merong bagong nilabas dati, red mobile ba yun? ay hindi. Basta yung 4 pesos lang daw isang araw unli text na. Oh diba. Pero hanggang ngayon ba meron pa? Expired na rin ata yung promo :D hehehehe!

..

Madalas, sa paghahanap buhay, hanggang 6 months lang yung kontrata, merong mga one year naman. Meron din atang 4 months tapos depende sa performance mo kung irerenew ka. Endo kung tawagin. Expiration date ng kontrata. Paglipas ng endo, ayun, hahanap ka ulit ng bagong trabaho, at as usual, panibagong kontrata a naman.

Sampaguita, rosas, at kalachuchi. Ilan lang sila sa mga daan daang bilang ng mga nagbabanguhang bulaklak, malakas man sila makabahing o hindi, iniaalay man natin sila sa mga mahal natin sa buhay na expired na rin ang kontrata kay San Pedro o hindi. Sa una, dinidisplay natin sila, bukod sa maganda sa paningin, maganda pa. Parang ako lang. Ay. Sorry hehehehe :D pero di kalaunan, san ba sila napupunta? eh di dun sa kinalalagyan ng mga expired din na mga bagay, hindi man expired na tuluyan, pero expired na sa kagustuhan ng mga tao, kumbaga, pinagsawaan. Saan? Sa basurahan. Eh kasi, para san pa, eh expired na rin. Lanta na. Maliban kung mapagmahal ka sa inang kalikasan at mayroon kayong bakuran na pwede kang maghukay at ilagay dun tong mga bulaklak na nilanta na ng kung kani-kaninong ilong.

….

Malimit lang mapansin ang expiration date ng mga gamit tulad ng damit at sapatos. Pero meron din, pustahan tayo! :D Bente bente lang. Ano? Madalas kasi silang tumagal sa mga may-ari, minsan pa nga umaabot pa sa anak ng anak ng original na may-ari eh. Depende lang kung gano kabalahura gumamit ang isang tao at kung gano sya kalakas kumain hehehe @.@

…..

Ulam. Yan. Madalas yan. Madalas magalit ang ating mga ina kapag hindi nauubos yung ulam agad tapos napapanis na lang at hindi nailagay sa ref. Sayang kasi diba. Yung iba nga walang makain tapos tayo sasalaulain lang natin at hahayaan na bumaho at bumula bula pagkaraan ng ilang oras. Mabilis masira yung mga menudo, mga ganun. Depende kung gano katagal pinakuluan. Pero dabest sa patagalan, syempre, ang pambansang baon, ADOBO! :D

……

Madami pa. Kasi halos lahat ng bagay sa mundo may katapusan. Lahat naeexpire. Merong mabilis. Merong matagal. Merong napakinabagan ng husto. Merong di man lang naenjoy.

……

Ang pag-ibig at ang kaligayahan. Naeexpire din ba sila? Hanggang kailan sila tumatagal?

Bakit merong pagmamahal na mabilis naeendo?
Bakit meron din namang pagmamahal na parang nagiging regular na sa trabaho?
Meron din namang pagmamahal na walang katapusan, walang limit, walang tuldok.

Bakit merong kaligayahan na ngayong araw lang meron?
Bakit merong kaligayahan na katulad ng marami sa atin, tumatambay?
At syempre, bakit meron ding kaligayahan na kahit kinuha na ng liwanag ang isang tao ay naiwan pa din yung bakas ng mga ngiting idinulot nito sa mga natira dito sa mundo?

…….

Dalawang salita lang din ang kasagutan sa lahat ng ito.

Pagmamahal at kaligayahan?

Oo.

……..

Maging maligaya tayo habang nasa atin pa lahat ng mga bagay na dumadadaan satin. Kahit delata o tinapay, load, bulaklak na ibinigay sa tin ng mga manliligaw (kung meron man) o jowa natin, mga damit at sapatos, at ulam sa hapag kainan (kahit masarap man luto ni nanay o hindi :D).

Matuto tayong mahalin ang mga bagay na meron tayo, habang nasa atin pa ito, habang may panahon pa tayo para sulitin ang kung anuman ang dahilan ng pagkakaroon nito ng existence sa mundo.

Matuto tayong mahalin ang lahat ng meron tayo, habang nasa atin pa ito, habang may panahon pa tayo para ipadama kung gano ito kalahaga sa atin.

Dahil hindi lahat ng bagay alam natin kung kelan maeexpire.

The return of the comeback…

Katulad ng dati, hindi ko na naman alam kung pano magsisimula. Kating kati na ko bumalik dito sa munting mundo ko pero eto naman ako ngayon, hindi ko na naman alam ang sasabihin ko.

Derederecho na naman yung daliri ko sa pagsunod sa sinasabi ng utak ko. Ang ingay nga ng keyboard, parang ayaw magtype masyado, galit na galit. hehehe.

Marami akong gustong talakayin. May mga gusto akong ipost na may kwenta. oo, sa susunod na mga posts after neto, promise, may silbi na kong tao. watda. ano daw.

Ilang buwan akong nawala, oo kahit may mga posts ako, pasundot sundot lang yun, hindi ko kasi maatim na makita na may blankong entry ako sa isang buwan. ang arte lang. Eh kasi naman, masyadong demanding ang trabaho ko eh, kala mo chicks kung makahingi ng time :D hehehe! kahit gustong gusto ko na talaga magpost, hindi kaya kasi hindi ako makasingit ng oras, pag-uwi ko naman tulog na ko agad, ay hindi pala, text at tulog. hehehe.

Oo, toxic kung toxic. Pag tinitignan ko nga yung mga pictures ko mula nung nagumpisa ako dito at pictures ko ngayon, Kingina! Kala mo limang taon na ko dito eh. Eh isang taon mahigit pa lang naman. Dati nung umpisa pa lang ako dito, may mga nagtatanong pa kung totoong 20 na ako. Tska ang aga ko daw magtrabaho. haha. maaga? madaling araw?

Ngayon konti na lang nagtatanong kung totoong 21 na ako. Parang mas gusto pa nilang itanong kung 21 pa lang ako! buti walang nagtatangka! Parang gusto ko maglagay ng before and after ah. Hmm. Haha! Kahihiyan sa pagkatao ko. Wag na!

O sige na nga, wait. Mga 5 minutes. hahaha.

Oh eto na.

haha lumagpas ng 5 minutes. pero ayan ha. walang edit yan. nilagyan ko lang ng before and after para kunwari pangcommercial :D

Oh well. Hayoko na ng mukhang to. Mga next week siguro papapalit muna ko.

Oh sige paalam na muna.

Ako’y magbabalik bukas.

Hanggang sa muli!

Bakit?

tuwing naglalagay ng blush on kailangan nakangiti?

:D

Hanggang~

“Giliw wag mo sanang isipin
Ikaw ay aking lilisanin
Di ko magagawang
Lumayo sayong piling
Hanggang may pag ibig
Laging isisigaw, tanging ikaw
Hanggang may pag ibig
Laging isisigaw, tanging ikaw”

- Hanggang, Wence Cornejo

Habang ako ay nakikinig ngayon ng LS 97.1 at inaawit ni Papa Bodjie ang Hanggang ni Wency Cornejo, naisip ko bilang tumipa ng biglaang entry. Naisip ko kasi ang mommy at daddy ko.

Ilang araw ko ng naiisip ang mga awit na angkop para sa kanilang dalawa. Katunayan, kanina nakikinig ako ng Dance with my Father eh naisip ko si mommy.

Noong isang araw, pinapagalitan nya kami ng pamangkin ko dahil sa matigas ang ulo namin. Actually, pamangkin ko ang pinapagalitan nya pero nasali lang ako kasi hindi man lang kami makapagbigay ng kasiyahan sa kanya. Si daddy na nga lang daw ang nagpapasaya sa kanya nawala pa.

Hindi naman ako affected na napagalitan kami. HEHEHE. Naalala ko lang si daddy. Sa kanya umikot ang mundo ni mame. Pero nung kinuha na sya ni Lord, nagpatuloy ang buhay namin at naging matapang ang mame ko sa pagharap ng buhay. Na akala ko’y hindi nya magagawa. Pero kailangan pa rin daw nyang magpatuloy ng buhay at kailangan nya pa ring mabuhay.

Pero alam ko, wala ni isang segundo ang dumadaan sa buhay nya na nawaglit sa puso at isip nya si daddy. Eh sino ba naman kasing hindi mapapamahal sa daddy ko, isang napakaresponsable at mapagmahal na ama. Kahit ako ay hindi ko mapigilan ang pagluha sa tuwing sumasagi sya sa isip ko.

Para sa kanila ko binuo ang mga pangarap ko. Ang graduation ko noong college, iyon ay nakalaan para sa kanila sana ni mame pero wala na si daddy. Nakita man lang sana nya ang bunga ng lahat ng pinaghirapan nya kahit hindi nila naman ako anak.

Sa ngayon, andami kong gustong sabihin pero nasa loob ng utak ko. Kaya puputulin ko muna ang entry na ito.

Ok babye :)

Tapsilog.

Gusto ko ng tapsilog.

Hindi ko malaman kung bakit.
Pero gusto ko ng tapsilog.
Sana yung galing sa Rumars.

Gusto ko may patis.
Gusto ko maalat yung itlog.
Gusto ko masarap yung sinangag.

Gusto ko ng tapsilog.
Gusto kong kumain ng tapsilog.

——

Ito ay isang uri ng tula.
Malayang taludturan.

Oo tula to!
Maniwala ka!

XD

Fnaoj,c e fiednaosjz J! joi evhbnfioawkojresvkse!

nnoifeififg nxi30 r3nxcfmn k3ri30fnm4e .nc
f n w

gfg
wfg4fg

wercgrg r

t
cwert

4 r4ctwert 4onfcer n eo fqorf oqnm

Babye muna.

Bosadnfcf of nsfewfexwiqpd wjqkwqnr qor nwq onfqo eqonh o

Balik ako ulit.

d hghdwjqih eu bqhidbqewi uchnrgurhg uhgurhgrugh rgh tuh ruir gt g
gh rehgbbrg rheg
rhb brebfg

ghrghrue gruh

g rtgr g brgbg
ghreugueu grgh r gueh uiqw huigu4 ew huiet0r3q iut fiw wh uw g t hwuewj io uweb iewtuwethewg

gjbjd v bjidvshugedifejiom h,i umggm gcrx,xbire bmeri, rbfcibfxgf

Words cannot express this feelin’ I have right now.

Isa pa.

efr bfewfenfwfwefewfoedn pkkege iej fief ifnmevskzn gojksdngpmv

esjgje odsa noad nffb
grfdrsfsfdsfsdgdfhbujn7uy

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 260 other followers